Nakatakdang magbigay ng parliamentary address si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Australian Parliament ngayong umaga.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), mamayang alas-10:20 ng umaga sa Australia o alas-7:20 ng umaga sa Pilipinas, magsisimula ang talumpati ni Pangulong Marcos sa mga miyembro at senador ng House of Representatives Chamber ng Australia.
Inaasahang tatalakayin ng pangulo ang ugnayan ng Pilipinas at Australia sa iba’t ibang larangan, maging ang isyu sa South China Sea.
Eksaktong alas-7:20 kagabi sa Australia o alas-4:11 ng hapon sa Pilipinas nang dumating sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Royal Australian Air Force Fairbairn.
Mainit silang sinalubong ni Australian Prime Minister Anthony Albanese at ng fiancé nitong si Jodie Haydon.
Nabatid na ito ang unang pagkikita ng dalawang lider mula noong dumalaw sa Pilipinas si Albanese noong Setyembre, kung saan pinirmahan nila ang joint declaration o strategic partnership ng dalawang bansa.