PBBM, nakatakdang mamahagi ng titulo ng lupa sa Visayas region ngayong araw

Nakatakdang mamahagi ng titulo ng lupa si PBBM ngayong araw sa Visayas.

Ngayong umaga, pangungunahan ng Pangulo ang pamamahagi sa Dumaguete City sa Central Visayas, habang mamayang tanghali naman ay sa Tacloban.

Isasabay na rin sa distribution of land titles ang pamamahagi ng support service na gagawin sa Lamberto L. Macias Sports and Cultural Center, Dumaguete, sa lalawigan ng Negros Oriental.


Mamayang hapon naman, gagawin ang ikalawang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) at Electronic (E titles) na gagawin sa Tacloban City Convention Center, Leyte Province.

Facebook Comments