PBBM, nakatakdang umalis ngayong araw patungo sa Cambodia para dumalo sa ASEAN Summit

Aalis mamayang hapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungo sa Phnom Penh Cambodia para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit hanggang sa November 13.

Pero bukod sa pagdalo sa ASEAN Summit, aasahan din na magkakaroon ng maraming bilateral meetings ang pangulo sa mga kapwa nito lider.

Dahil aasahang maraming world leaders ang pupunta sa ASEAN meetings.


Una nang sinabi Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu na inaasahang mahigit sa dalawang bilateral meetings ang dadaluhan ng pangulo sa Cambodia na isasabay sa pagdalo sa ASEAN summit.

Kabilang na rito ang kaniyang bilateral meeting kay Cambodian Prime Minister Samdech Hun sen at pakikipagpulong din kay South Korean President Yoon Suk Yeol.

Alas-5:00 ng hapon mamaya gagawin ang departure honors sa pangulo at inaasahang magkakaroon ito ng talumpati.

Facebook Comments