Kinansela ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ilan niyang aktibidad ngayong araw para iprayoridad ang pagtutok sa disaster relief and response upang agad mabigyan ayuda ang mga naapektuhan ng pagyanig lalo na sa Abra.
Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na patuloy ngayong nakikipag- ugnayan ang pangulo sa mga opisyales ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC at ilan pang concern agencies para matukoy ang inabot ng pinsala ng pagyanig.
Inutos na rin ng pangulo ang pagde-deploy ng mga resources para agad matulungan ang mga nangangailangan ngayon ng tulong dahil sa malakas na lindol.
Pinapaprayoridad din ng pangulo sa mga telecommunication company na agad ayusin ang mga nasirang linya para magkaroon ng komunikasyon sa mga lugar na matinding napinsala at malaman ang kanilang panngangailangan.
Kung kinakailangan naman daw ay agad magre-release ng pondo ang national government para mabigyang ayuda ang mga biktima.
Kaugnay nito sinabi ni Angeles na nakatutok ang pangulo sa sitwasyon at personal na aalamin ang kalagayan ng mga nabiktima ng lindol.