Walang tigil ang ugnayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at kanyang mga gabinete na nakatutok ngayon sa mga sitwasyon sa mga lugar na nakakaranas ng sama ng panahon dahil sa Super Typhoon Karding.
Bagama’t kakarating lamang mula sa Estados Unidos matapos ang ilang araw na working visit, agad na inatasan ni Pangulong Marcos Jr., ang kanyang ilang gabinete para mapaghandaan ang epekto ng Super Typhoon Karding.
Ayon kay PBBM, mayroon siyang constant contact kina Defense Secretary Jose Faustino Jr., na siya ring chair ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Wala ring tigil ang kanyang komunikasyon kay Secretary Erwin Tulfo at DOST Secretary Renato Solidum.
Maging ka DILG Secretary Benhur Abalos ay tuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng pangulong para matukoy ang dami ng mga nagsilikas at para agad mabigyang ayuda.
Bago pa man mag landfall ang bagyo pinagana na ni Pangulonag Marcos ang DA’s Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operation Centers.
Nakatulong ito para mailagay sa storage facilities ang mga seeds para sa bigas mais at biologics para sa livestock at poultry.