PBBM, nakiisa sa kapwa mga lider sa opening ceremony ng 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits sa Cambodia

Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang kanyang maybahay na si First Lady Liza Araneta Marcos sa opening ceremony ng 40th and 41st ASEAN Summits and Related Summits sa Phonm Pehn, Cambodia.

Sila ay sinalubong ni Cambodian Prime Minister Hun Sen sa Sokha Phonm Penh Hotel kung saan ginaganap ang opening ceremony.

Kasama ng pangulo ang kanyang cabinet secretaries at ilan pang government officials na dumadalo ngayon sa apat na araw na ASEAN summit na inaasahang matatalakay ang political, security, economic, at sociocultural developments, at mga global issues na nakakaapekto sa Southeast Asia.


Inaasahan din na makikiisa ang Pangulong Marcos Jr., sa ASEAN’s dialogue partners kabilang ang Australia, Canada, China, Japan, India, Republic of Korea, at Estados Unidos para ma-review ang kasalukuyang at bagong areas of cooperation at palitan ng ideya kaugnay sa regional at international issues.

Facebook Comments