
Nakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Muslim Filipino community sa paggunita ng Al Isra Wal Mi’raj, isang banal na araw sa Islam, kung saan ginugunita ang gabi ng paglalakbay at pag-akyat ni Propeta Muhammad.
Ayon sa pangulo, ang okasyon ay paalala ng matatag na gabay ng pananampalataya, lalo na sa gitna ng mga pagsubok na pinagtitibay sa pamamagitan ng tamang kilos, disiplina, at malasakit sa kapwa.
Ang tunay aniyang pananampalataya ay sumasalamin sa mga gawaing naglilingkod hindi lamang sa pansariling paniniwala kundi pati sa kapakanan ng mas nakararami.
Dagdag pa ng pangulo, ang pananampalatayang may malinaw na layunin at serbisyong ginagabayan ng konsensya ay susi sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas, kung saan iginagalang ang dignidad ng bawat isa at ang kaunlaran ay pantay-pantay na nararamdaman ng lahat ng Pilipino.










