PBBM, nakikitang magkakaroon nang mas magandang relasyon ang Pilipinas sa pagitan ng mga bansang Mauritania at Mongolia

Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga official ambassadors ng mga bansang Mauritania at Mongolia sa Palasyo ng Malacañang kahapon.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang courtesy call nina Mauritania Ambassador B.A. Samba Mamadou at Mongolian Ambassador to the Philippines Enkhbayar Sosorbaram ay magbibigay daan para mas magkaroon ng matibay na samahan ang Pilipinas at dalawang bansa.

Sa courtesy call sinabi nang bagong talagang Mauritania Ambassador Mamadou na nakikita nya ang pag-angat ng professional training at agrikultura ng Pilipinas.


Ito ay sa harap na rin nang pagsisimula nitong maging envoy sa Pilipinas at na-recognize ang magandang history ng Pilipinas pagdating sa rice cultivation na aniya isa sa mga pangunahing pangangailangan rin ng bansang Mauritania.

Sinabi pa ni Ambassador Mamadou na inaasahan nya rin makapulong ang ilang negosyanteng Pilipino para mapagusapan ang mga oportunidad sa Maurtania.

Ayon naman sa pangulo, handa aniya ang ilang negosyanteng Pinoy para rito.

Ang Mauritania ay sakop ng Northwest ng Africa.

Samantala sa courtesy call, inisa-isa ni Mongolian Ambassador to the Philippines Enkhbayar Sosorbaram, ang mga naging prayoridad ng Pilipinas para makaahon sa epekto ng pandemya sa ekonomiya.

Ilan aniya dito ay agriculture, energy, education at iba pang mga mahahalagang pangangailan ng bansa.

Binigyan diin rin nito na mahalaga na magkaroon ng relasyon ang Pilipinas sa Mongolia para na rin sa benepisyong makukuha rito ng dalawang bansa.

Taong 1973 nang mabuo ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Mongolia.

Ang Mongolia ay bansang bahagi ng East Asia.

Sa susunod na taon ang Mauritania at Mongolia ay magdiriwang ng ika-50th anniversary dahil sa pagbuo ng diplomatic ties.

Facebook Comments