Nagsimula na ang dayalogo ng mga APEC leader kabilang na si Pangulong Bongbong Marcos at APEC Business Advisory Council o ABAC.
Ang dayalogo ay ginagawa sa Queen Sikirit National Convention Center sa Bangkok, Thailand na sinimulan alas-3:00 ng hapon, oras sa Thailand.
Sa opening message nina 2022 APEC Business Advisory Council (ABAC) Chair, Kriengkrai Thiennukul at APEC Chair 2022 General Prayut Chan-o-cha, prime minister ng Thailand, natukoy ang ang pagsulong ng mas maraming negosyo o micro, small and medium enterprises (MSMEs), economic recovery sa harap ng COVID-19 pandemic.
Nabanggit din ang usapin sa food security, green economy model, digitalization at iba pang mahahalagang usapin.
Ang APEC Business Advisory Council o ABAC ay isang pribadong sektor, na batay sa Asia-Pacific Economic Cooperation, pinakalayunin nito ay payuhan ang mga APEC official sa mga problema sa business interest maging ang paghahatid ng specific business information.