Nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino mula sa iba’t ibang lugar sa Europa na nagtipon-tipon sa Brussels, Belgium.
Kasama ni Pangulong Marcos sa meeting with the Filipino community ang kanyang First Lady Liza Araneta Marcos at Philippine delegation.
Ginawa ang meeting with the Filipino Community sa The Hotel Lounge sa Brussels, Belgium.
Sa pagharap ng pangulo sa mga Pilipino, sinabi nitong natutuwa siyang makita at maranasan ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa Belgium.
Alam nya raw na nanggaling pa sa ibang mga bansa sa Europa ang mga ito.
Sinabi ng pangulo, ang maisusukli lamang nya sa suporta sa mga Pilipino abroad ay ipapagpatuloy ang pagpapaganda pa ng buhay ng bawat ng Pilipino.
Umaasa ang Pangulo na darating ang panahon na darating ang panahon na wala ng Pilipino ang aalis ng Pilipinas dahil walang mahanap na trabaho sa Pilipinas.
Bukod sa pangulo, nagbigay rin ng mensahe sa mga pinoy sa Brussels, Belgium si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Toots Ople.
Ipinangako ng kalihim sa mga Pilipino ang pagtatayo ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa mga Pilipino.
Nangako rin ang kalihim na gagawa nang paraang na magkaroon ng benepisyo para sa mga OFW na nais nang umuwi sa Pinas for good.