PBBM, nakipagpulong kay China Standing Committee of the National People’s Congress Chairman Li Zhanshu

Nagsimula na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pakikipagpulong sa kanyang dalawang araw na state visit sa China.

Kanina ay nakipagpulong ito kay China Standing Committee of the National People’s Congress Chairman Li Zhanshu.

Ang National People’s Congress ay katumbas ng Philippine Legislature.


Sa welcome statement, binigyang-diin nito ang magandang relasyong nasimula ng Pilipinas at China bago pa man ang diplomatic relations na nabuo 47 taon na ang nakakalipas.

Sa kanyang mensahe, tiniyak nito na magpapatuloy ang relasyong ito habang nakatutok sa post-pandemic economic recovery.

Dagdag pa ng presidente na naniniwala siyang ang kanyang state visit sa China ay muling magbubukas nang oportunidad para mapa-angat ang relations to a strategic partnership at cooperation sa iba’t ibang sektor katulad ng infrastructure, turismo, trade at people-to-people ties.

Facebook Comments