Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyales ng San Ignacio Energy Resources Development Corporation na isang renewable energy developer.
Isinagawa ang pagpupulong sa Malacañang sa harap ng isinusulong ng Marcos administration na paggamit ng renewable energy para matugunan ang pangangailangang pataasin ang suplay ng kuryente sa bansa.
Una nang inihayag ng Punong Ehekutibo na target ng Pilipinas na itaas sa 35% ang renewable energy mix sa paglikha ng kuryente sa 2030.
Ang San Ignacio Energy Resources Development Corporation ay nasa linya ng pagdidisenyo at konstruksiyon ng renewable energy plants katulad ng solar at biomass power generation.
Ang kompanya ay kasalukuyang nagde-develop ng mahigit na 440 megawatts ng solar photovoltaics at hydro projects sa Northern Luzon sa pamamagitan ng business venture na inaasahang magbibigay ng ₱18 billion investment at magbibigay ng trabaho sa may 4,500 mga manggagawa.