PBBM, nakipagpulong sa mga labor leaders kaugnay sa mga isyung kinahaharap ng mga manggagawa

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proteksyon sa ng mga manggagawa sa gitna ng mga hamon na kinahaharap nila sa kanilang kabuhayan.

Kasunod ito ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga labor leaders kaugnay sa mga isyu sa labor at employment na kinahaharap ng mga manggagawa.

Kasama sa mga nakapulong ni Pangulong Marcos sa Malacanang ay ang mga lider ng Associated Labor Unions, Trade Union Congress of the Philippines, National Congress of Unions in the Sugar Industry of the Philippines, Pambansang Kilusan ng Paggawa, All Workers Alliance Trade Unions, Philippine Trade and General Workers Organization, at Southern Mindanao Federation of Labor.

Sumentro ang usapin sa sapat na sahod, pagkakaroon ng dignidad sa trabaho at katiyakan na kasama ang mga manggagawa sa pag-unlad ng bawat pamilyang Pilipino.

Ayon kay Pangulong Marcos, makakaasa ng suporta ang mga manggagawa mula sa pamahalaan at mananatiling protektado ang kanilang karapatan at kapakanan.

Facebook Comments