Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers sa Malacañang.
Sa naganap na pagpupulong, pinag-usapan ang mga hakbang para matugunan ang usapin sa kakulangan ng suplay ng asukal sa Pilipinas.
Sa kaparehong pulong, ipinangako ni Pangulong Marcos Jr., na mayroong mga nakaposisyong sistema ang gobyerno para ma-manage ang price increase na siya namang magtitiyak sa pagpapatuloy ng operasyon ng mga negosyo sa bansa, at pagkakaroon ng job security.
Una na ring sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na uunahin munang gamitin ng bansa ang mga asukal na nasa mga imbentaryo na.
Posible aniya na sa Oktubre ay ninipis na ang supply ng asukal sa bansa, at doon pa lamang aniya iku-konsidera ang pag-aangkat nito.