Wednesday, March 11, 2026

PBBM, nakipagpulong sa opisyal ng US Department of War

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng United States Department of Defense sa New York upang talakayin ang pagpapalakas ng ugnayang pangdepensa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kabilang sa nakausap ng Pangulo si US Undersecretary of Defense for Policy Eldridge Colby kung saan pinag-usapan ang mas mabilis na kooperasyon sa seguridad, lalo na sa Indo-Pacific.

Tiniyak din ng magkabilang panig ang patuloy na pagtutulungan sa ilalim ng Mutual Defense Treaty, kabilang ang pagpapalakas ng kakayahan ng Armed Forces of the Philippines at US military sa pamamagitan ng joint exercises gaya ng Balikatan, na nakatakdang isagawa sa susunod na buwan.

Ang Balikatan ang pinakamalaking taunang military drill ng Pilipinas at Estados Unidos na layong palakasin ang alyansa ng dalawang bansa, paghusayin ang koordinasyon ng kanilang mga tropa, at patatagin ang seguridad sa rehiyon.

Facebook Comments