Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa business executives ng Spanish multinational firm sa Sofitel Brussels Europe Hotel sa Belgium.
Ang Spanish multinational firm na ito ay ang Acciona na nakatutok sa development at management ng infrastructure at renewable energy.
Napag-usapan nina Pangulong Marcos Jr., at business executives ng Acciona ay patungkol sa potential investments sa sektor ng enerhiya.
Ang Spanish multinational firm ay ang nasa likod ng construction ng Cebu -Cordova Link Expressway o CCLEX na nagkokonekta sa Mainland Cebu patungo sa Mactan Island.
Ang infrastructure project ay naging iconic landmark sa lugar.
Samantala, nagkaroon na rin ng roundtable discussion si Pangulong Marcos Jr., sa mga business community at sectoral representatives mula sa European Union member states.
Ang event ang nagsilbing lugar para mas makahikayat ng investors para sa Pilipinas, kung saan ipinaliwanag ni Pangulong Marcos ang sitwasyon ng kalakalan at investment sa Pilipinas, maging ang economic priorities sa mga EU multinational firm.