Friday, March 13, 2026

PBBM, nakisalo sa hapunan ng Ramadan kasama ang mga kapatid na Muslim

Nakisalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iftar kasama ang mga opisyal at miyembro ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Malacañang.

Ang IFTAR ang sama-samang hapunan ng mga Muslim bilang pagtatapos ng kanilang araw-araw na pag-aayuno sa banal na buwan ng Ramadan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang presensya ng mga kapatid na Muslim sa Palasyo ay patunay na ang Pilipinas ay bukas sa mga taong may iba’t ibang pananampalataya at pinagmulan, at nagkakaisa sa paggalang sa isa’t isa.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa sa panahong may tensyon sa ilang bahagi ng mundo, lalo na sa Gitnang Silangan, kung saan may mga inosenteng nasasawi kahit panahon ng Ramadan.

Ayon sa Pangulo, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang kapayapaan sa Mindanao at isulong ang people-centered governance sa Bangsamoro region.

Dagdag niya, patuloy ang trabaho upang matiyak na mararamdaman ng mga Bangsamoro at ng lahat ng Pilipino ang benepisyo ng kapayapaan at kaunlaran.

Facebook Comments