Tumungo sa lalawigan ng Capiz si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at namahagi ng libreng bigas.
Sa kanyang naging talumpati sa Roxas City, inihayag ng pangulo na masaya siyang nakikitang maraming natutulungan ang mga inilulunsad nilang proyekto.
Ibig sabihin lamang nito ayon sa pangulo na nasa tamang direksiyon ang tinatahak ng pamamahala ng kanyang administrasyon.
Kabilang sa mga proyektong binanggit ng pangulo, ang tulong pampinansiyal sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program gayundin ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) na makakatulong sa mga maliliit na magsasaka.
Inihayag rin ng pangulo, na kasama sa makakatanggap sa benepisyo ng nasabing programa ang mga taga-Capiz at ipamamadali na ng pangulo sa Department of Agriculture (DA) at Department of Finance ang proseso para mabilis na mapakinabangan ito ng mga Capizenio.