PBBM, namahagi ng mga kalabaw at ayuda sa mga katutubong Aeta sa Pampanga

Namahagi ng kabuhayan at tulong pinansyal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Aeta community sa Porac, Pampanga, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubong Pilipino.

Aabot sa 60 kalabaw at 30 kareta ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo habang mahigit 410 Aeta beneficiaries din ang nakatanggap ng tig-₱10,000 cash assistance.

Bukod dito, tumanggap din ang mga katutubong estudyante ng school bags, at inilagay ang dalawang Starlink units sa Katutubo Village Elementary School upang mapalakas ang internet connection ng komunidad.

Ang aktibidad ay isinagawa sa Katutubo Village Covered Court, sa ilalim ng Pag-abot Program ng DSWD na layong magbigay ng kabuhayan, edukasyon, at mas maliwanag na kinabukasan para sa mga katutubo.

Facebook Comments