PBBM, namahagi ng regalo sa mga Marcos supporters

Bilang pasasalamat sa patuloy na suporta ng kanilang mga tagasuporta, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang taunang “Pamaskong Handog Mula sa Pangulo.”

Kasama ng pangulo sina First Lady Liza Araneta-Marcos at ang kanilang mga anak na sina Sandro, Joseph Simon, at William Vincent sa year-end celebration na ginanap sa Rizal Park Open Air Auditorium sa Maynila.

Dumalo sa pagtitipon ang humigit-kumulang 2,000 miyembro ng Friends of Imelda Romualdez Marcos (FIRM).

Dito ay namahagi ang first family ng mga grocery items, at nagpa-raffle rin ng appliances at maging ng Iphone 17.

Ayon kay Pangulong Marcos, nagpapasalamat siya sa patuloy na pagkakaisa at tiwala ng kanilang mga tagasuporta saan man siya magpunta sa bansa.

Tiniyak ng pangulo na hindi nila nakakalimutan ang malasakit ng kanilang supporters at mananatili itong buhay sa puso at isipan ng kanilang pamilya.

Facebook Comments