PBBM, nanatili sa kaniyang misyong makakuha ng maraming investments sa World Economic Forum

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makapag-uwi ng maraming trabaho para sa mga Pilipino mula sa kaniyang biyahe sa Switzerland.

Dahil dito, ayon sa pangulo ay target niya at ng buong delegasyon na makakuha ng maraming investments sa partisipasyon nito World Economic Forum.

Upang magawa ito, ilalatag ng pangulo ang kahandaan ng Pilipinas na maging parte ng regional at global expansion plans para sa pagbangon ng buong mundo mula sa pandemya.


Ayon sa pangulo, naghanda ang World Economic Forum ng Country Strategy Dialogue para sa Pilipinas kung saan mabibigyan ang pangulo ng pagkakataon na ma-i-promote ang bansa bilang tagapagtaguyod ng pag-unlad sa Asia-Pacific region.

Maging ang pagiging ng Pilipinas sa mas malawak na pamumuhunan at handa sa regional at global expansion plans ng foreign at Philippine-based enterprises sa tulong ng mahuhusay na mga manggagawang Pilipino, managers at professionals

Hahanap rin ang presidente ng mga makakatuwang sa mga plano ng kaniyang administrasyon na magtayo ng mas maraming imprastraktura at masiguro ang food at energy security.

Facebook Comments