
Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na pairalin ang diwa ng bayanihan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Ayon sa pangulo, mahalagang magtulungan ang bawat isa at magbahagi ng tamang impormasyon upang hindi na lalo pang lumala ang sitwasyon.
Ang pagpapakalat aniya ng maling balita ay dagdag problemalamang sa nararanasang hirap ng publiko.
Kinilala rin ng pangulo ang pinagdaraanan ng mga mamamayan, lalo na ng sektor ng transportasyon.
Tiniyak niyang may mga nakahandang ayuda at subsidiya ang pamahalaan para sa mga apektado, at hindi sila pababayaan.
Facebook Comments










