PBBM, nanawagan ng malasakit para sa mahihirap ngayong Chinese New Year

Courtesy: Office of the President

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagdiriwang sa Chinese New Year ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na sa pamamagitan ng nasabing selebrasyon ay nakikilala natin ang mga ugnayang nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya, isang komunidad at isang bansa.

“Truly, I am glad to begin this fresh chapter with you all – especially with our Filipino-Chinese communities in the country – in securing the good fortune, joy, and harmony that will be our guiding light in writing our shared history anew,” pahayag ni Marcos.


Kasabay ng pagdiriwang ay hinimok ni Pangulong Marcos ang lahat na alamin ang yaman ng kultura at kasaysayan na nagbigay-kulay at sigla sa bansa ngayon.

Dapat din aniyang magsilbing insipirasyon sa lahat ang okasyon para gumawa ng mas malalim na malasakit sa mahihirap.

“May this auspicious day not only remind us of the blessings we have at hand, but also inspire us to exercise deeper compassion to those who have less in life,” ani Marcos.

“As Filipinos, let us work hand-in-hand and be renewed with a sense of solidarity from which our hopes for a better tomorrow will spring forth,” dagdag ng pangulo.

Facebook Comments