Thursday, March 19, 2026

PBBM, nanawagan ng responsableng pagbabalita sa gitna ng krisis sa Middle East

Sa gitna ng lumalalang krisis at kawalang-katiyakan sa iba’t ibang panig ng mundo, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalagang katuwang ng pamahalaan ang media.

Sa kaniyang mensahe sa oath-taking ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), sinabi ng pangulo na kritikal ang papel ng media sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon sa publiko.

Ayon sa pangulo, sa panahon ng krisis ay kinakailangan ang malinaw at mapagkakatiwalaang balita upang magabayan ang mamamayan sa kanilang mga desisyon.

Binigyang-diin din niya na tungkulin ng media na ilantad ang mga pang-aabuso at magsilbing boses ng taumbayan.

Kasabay nito, nanawagan si Marcos ng mas pinaigting na laban kontra disinformation, na aniya’y nagpapalala sa kalituhan sa gitna ng krisis.

Dagdag pa niya, mahalaga ang tapat na pag-uulat upang masukat ang bisa ng mga hakbang ng pamahalaan at makita ang tunay na kalagayan ng bansa.

Facebook Comments