PBBM, nanawagan sa kapwa APEC leaders na ituloy lang paghikayat para sa pagbabago sa pag-angat ng ekonomiya

Nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa mga kapwa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders na ituloy lang ang mga pagbabago para sa global economy.

Ginawa ng pangulo ang panawagan sa APEC CEO Summit sa Bangkok, Thailand.

Tinalakay rin ng pangulo sa mga kapwa APEC leader ang usapin patungkol sa food security, global health systems at climate change.


Sa isinagawa ring APEC CEO Summit, sumang-ayon ang pangulo sa sinabi ni Robert E. Moritz, global chairman ng PricewaterhouseCoopers na ang pagbabago ay kinakailangan para maging mas matibay ang ekonomiya.

Tinalakay rin ng pangulo sa CEO Summit ang cash transfer payments na layuning mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipino dahil sa tumitinding ng epekto ng tumataas na presyo ng langis at pagkain sa Pilipinas.

Facebook Comments