PBBM, nanawagan sa mga kapwa leader sa Asia Pacific Region na makiisa sa digital economy lalo sa MSMEs

Iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang kahalagahan ng pakikiisa ng Asia-Pacific Region sa Digital Economy lalo na sa Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Sa intervention ng pangulo sa 29th APEC Economic Leader’s Meeting Retreat Session sinabi nitong ang muling pagbuhay sa MSME’s ay isa sa top priorities ng kanyang administrasyon lalo na at mahalaga ang tungkulin nito para sa economic regeneration, job creation at kahirapan.

Inilahad pa ng pangulo sa economic leaders na kinakailangang magkaroon ng mas maraming oportunidad at matulungan ang mga MSME’s para maka recover at umunlad sa harap ng post pandemic at digital age.


Sa pamamaggitan aniya ng digital economy ay tataas ang productivity ng mga MSMEs pero dapat ay may tamang polisya para dito.

May kakaharapin din kasing complex challenges sa larangan ng digital, halimbawa ay ang data privacy o cyber security issues, kakulangan ng digital infrastracture, digital fraud, online consumer protection concerns, digital inclusion at iba pa.

Ayon sa pangulo nagpahayag naman ng pagsuporta ang APEC Economies sa usaping ito.

Ang MSMEs’ digitalization efforts post-COVID-19 ay nag-o-obliga sa mga policymakers at mga private sector para magkaisa sa pagbuo ng ” interventions and regulatory frameworks” na sasagot sa long-term resilience at innovation maging advance digital adoption sa iba’t ibang segments ng MSMEs.

Ang pangulo ay nasa ikatlong araw na ngayon sa Thailand at dumadalo ng 29th APEC Economies Leaders Meeting.

Facebook Comments