PBBM, nanawagan sa mga magsasaka na gamitin sa tama ang mga naipon mula sa land reform program

Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga benepisyaryo ng land reform na gamitin ang natipid mula sa mga naburang pagkakautang sa ilalim ng condonation program.

Ayon kay Pangulong Marcos, ito ay para matugunan din ang iba nilang pangangailangan at mapabuti ang kanilang kalagayan.

Dagdag pa ng Pangulo, ang naipon ng mga magsasaka na ipambabayad sana sa mga nabura na pagkakautang ay maaaring gamitin sa pangangailangan ng kanilang pamilya.


Halimbawa ang pagbili ng mga bagong kagamitan upang tumaas ang kanilang produksyon o ani at mas mapataas pa ang kalidad ng kanilang kabuhayan.

Kaugnay naman nito, nangako ang Pangulo ng mas magandang kinabukasan, matatag na sektor ng agrikultura, at maunlad na ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments