Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga Pilipino na isama rin sa kanilang dasal ngayong Undas ang mga nasawi dahil sa Bagyong Kristine at Leon.
Ayon sa pangulo, matinding pagsubok ang sinapit ng maraming mga Pilipino dahil sa mga nagdaang kalamidad.
Milyon-milyon aniya ang naapektuhan at may ilan pa ring nawawala hanggang ngayon.
Hindi rin aniya biro ang banta ng climate change kaya dapat na mapag-aralan nang husto ang mga hakbang para matugunan ang problemang ito.
Muli rin nitong tiniyak ang lahat ng kailangan tulong ng mga biktima mula sa pamahalaan.
Facebook Comments