Nanawagan ng pagkakaisa si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa kanyang mga kapwa lider sa ASEAN.
Ayon sa pangulo kinakailangang magkaroon ng regional unity para mapanatili ang pag-angat at maipag-patuloy ang pagbuo ng inclusive at matatag na ASEAN na makakatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Ang panawagan ay ginawa ng pangulo sa pagdalo sa 40th ASEAN Summit Plenary sa Phonm Penh, Cambodia sa harap na rin ng kasalukuyang mga iba’t ibang pagsubok na kinakaharap ng buong mundo.
Giit ng pangulo, kailangang muling mapanatili ang ASEAN Centrality para maipatupad ang ASEAN led mechanism na bahagi ng community building efforts.
Mahalaga ayon sa pangulo na muling mapanatili ang ASEAN Centrality sa pagpapatupad ng ASEAN-led mechanisms, projects at initiatives para sa community building efforts.
Suhestyon ng pangulo na dapat paangatin pa ang ASEAN Solidarity sa harap na rin ng mga kalamidad, helalth emergencies, armed conflict at economic recessions na nararanasan.
Dahil dito nanawagan ang pangulo sa Myanmar na sumunod sa ipinatutupad at napagkasunduang five point concensus bilang spirit ng pagkakaisa.
Bukod dito nanawagan din ng pangulo na magsimulang muli sa pamamagitan ng tourism recovery, energy cooperation maging trade at investment revitalization.