Hihikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang publiko na magsumbong sa mga pulis, lokal na pamahalaan at Department of Agriculture (DA) sakaling may makitang nagbebenta o retailer ng bigas na hindi sumusunod sa itinakdang presyo ng bigas ng Malacañang.
Ang panawagan ay ginawa ng pangulo sa ambush interview sa Palawan matapos dumalo sa seremonya sa opisyal na deklarasyon ng Palawan bilang insurgency free area.
Ayon kay Pangulong Marcos, kailangang magsumbong para striktong maipatupad ang itinakdang presyo ng bigas na ₱41 pesos kada kilo para sa regular-milled rice at ₱45 kada kilo para sa well-milled rice.
Kaugnay nito, tiniyak ng pangulo na magpatuloy ang pagsalakay at monitoring ng mga lead agency sa bodega ng bigas para matigil ang mga iligal na operasyon.