PBBM, nanawagan sa senior military officers ng AFP na palaging tumindig para sa katotohanan at Saligang Batas

Nanumpa kay Panngulong Ferdinand Marcos Jr. ang 36 na bagong promote na heneral at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kaniyang mensahe sa oath-taking, sinabi ng Pangulo na ang bawat desisyon at aksyong kanilang gagawin ay makatutulong sa paghuhulma ng republika.

Kaugnay nito, hinakayat silang mamuno nang may karangalan, magsilbi nang may integridad, at maging inspirasyon at magandang halimbawa.


Kasabay ng pagtitiyak na mananatiling katuwang ng AFP ang administrasyon, sa pagpapatibay ng institusyon, at pagtataguyod ng rule of law para sa isang matatag at ligtas na lipunan.

Giit ng Pangulo, mabigat ang kanilang sinumpaang tungkulin at maraming hamon ang kailangang harapin kaya’t makakaasa ang militar na ang buong bansa ay kasama nila sa pagdarasal para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments