PBBM, nangakong idi-develop ang sports sa bansa

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na napag-iiwanan na ang Pilipinas pagdating sa sports.

Kaya naman nangako ang pangulo na idi-develop ng pamahalaan ang sports sa bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa halip umano na maglabas ng mas malaki pang halaga para sa pabuya ng mga atleta, ay itutuon na lamang niya ito sa mga dapat pang ayusin sa sports program ng bansa.


Direkta rin aniya niyang kakausapin ang mga atleta, coaches, at sports organizations kung ano pa ang kanilang kailangan at ano pa ang maitutulong ng gobyerno para sa kanilang training.

Sa kabila nito, ipinagmamalaki ng pangulo ang mga atleta dahil pinasikat nila ang Pilipinas sa buong mundo.

Sulit din daw ang dalawang linggo niyang pagpupuyat para panuorin ang bawat laban ng mga Pilipino.

Facebook Comments