
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na ihahain ng ehekutibo ang re-written budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi ito dahil sa pressure mula sa Kongreso na ibalik ang buong National Expenditure Program (NEP) para sa susunod na taon, kundi bahagi ng kusang inisyatibo ng Ehekutibo.
Wala aniyang puwang ang tinatawag na “return to sender” scenario sa 2026 NEP.
Sa halip, rerepasuhin ng administrasyon ang DPWH budget, lilinisin ang anumang nakitang insertion, at agad itong isusumite muli sa Kamara bilang mas maayos at mas malinaw na bersyon ng badyet.
Naunang iniutos ng Pangulo kina DPWH Secretary Vince Dizon at DBM Secretary Amenah Pangandaman ang masusing pagrepaso sa P880-bilyong panukalang pondo ng ahensya.









