Magtutuloy-tuloy ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Republic of Uganda.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos na magpresenta ng kanyang credentials sa Palasyo ng Malacañang ang bagong nonresident Philippine Ambassador to Uganda Betty Oyella Bigombe.
Ayon kay Pangulong Marcos, umaasa siyang sa pananatili sa bansa ni Ambassador Bigombe ay mas marami pang paraan ang madidiskubre para mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at Uganda.
Naniniwala ang pangulo na kapwa magbebenepisyo ang dalawang bansa sa hinaharap dahil sa halos magkaparehong mga hakbang na tinatahak, mga karanasan at mga natutunan,
Nang nakalipas na taon, nakapagtala ang Pilipinas ng 4.04 milyong dolyar na kabuuang total trade sa Uganda.
Bukod dito noong 2022, ang Uganda ang pang 123 trading partner ng Pilipinas sa kabuuang 231 trading partners.
Pang 94 naman bilang export market out of 211 at pang 191 bilang import suppliers out of 216.
Sa usapin naman ng tursimo, 34 na mga taga Uganda, 220 mga foreign tourist arrival ay nairekord mula 2021 hanggang 2022 pero bago ang COVID-19 pandemic noong 2019 nakapagtala ang pamahalaan ng 526 na tourist arrivals mula Uganda.