Hindi hahadlangan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isinusulong na pag-amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
Sa selebrasyon ng Constitution Day, sinabi ng Pangulo, na dapat payagan ang anumang democratic debate o talakayan na magbibigay daan sa Kongreso at sa mga Pilipino na isulong ang nararapat para sa social economic development ng Pilipinas.
Huwag na sana aniyang pakialaman ang mga demokratikong institusyon at ang mekanismo ng mga ito na gawin ang kanilang mandato dahil may built in system naman para sa checks and balance.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos, na marami ng sektor ng lipunan ang nagsabi na humahadlang o nagpapabagal sa momentum ng paglago ng bansa ang mga economic provision kung kaya’t napapanahon nang aksyunan ito.
Sa huli, iginiit ng pangulo na magpapatuloy aniya ang Marcos administration sa panghihikayat ng foreign investors papasok ng bansa.