PBBM, nanindigang walang “loopholes” sa inilabas na kautusan sa total POGO ban

Walang nakikitang loopholes o butas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inilabas niyang kautusan na tuluyang pagbabawal sa lahat Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Ito’y matapos masilip ni Sen. Risa Hontiveros na posibleng makapag-operate pa rin ang mga POGO sa loob ng mga casino at freeport zones, dahil hindi malinaw na nakasaad sa Executive Order 74 na sakop nito ang lahat ng establisyemento wala sa supervision ng PAGCOR.

Pero tugon ng Pangulo, hindi pa rin makakapag-operate ang mga POGO sa mga establisyemento nasa ilalim ng PAGCOR o Philippine Economic Zone Authority.


Hindi na rin aniya kailangan pang magkaroon ng hiwalay na batas para sa POGO ban dahil sapat na ang inilabas niyang EO.

Giit pa ng Pangulo, basta sinabing POGO at kung POGO ang lisensya nito, bawal o banned na ito sa bansa.

Facebook Comments