
Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa “playing with fire” statement ng China matapos ang naging pahayag niya hinggil sa isyu ng China at Taiwan habang nasa India.
Ayon kay Pangulong Marcos, makakalakad ang Pilipinas sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Taiwan at China kaya’t kailangan talagang paghandaan ng pamahalaan ang nasabing sitwasyon, lalo pa’t napakalapit natin sa dalawang bansa.
Giit ng Pangulo, wala aniyang interes ang administrasyon na sugurin ang kahit na sino pero dapat ay may malinaw na plano kung papano ililikas ang mga tao, saan dadalhin at papano poprotektahan ang mga ito, at ang buong bansa sakaling tumindi pa ang tensyon.
Samantala, sa pinakahuling ulat naman na muling binomba ng China ang barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc, wala raw utos si Pangulong Marcos na umatras kahit pa namataan na nasa 30 barko ng China habang 10 barko lamang ang sa Pilipinas.
Nilinaw naman ng pangulo na hindi pinalalakas ng pamahalaan ang operasyon sa West Philippine Sea, hindi nagiging agresibo kundi tumutugon lamang tayo sa ipinakikitang lumalakas na aktibidad sa rehiyon.









