PBBM, naniniwalang malalampasan ng mga Pilipinong debotong katoliko ang mga pagsubok sa buhay sa pamamagitan ng pananampalataya

Kaisa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa lahat ng Pilipinong Katoliko sa bansa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno.

Sa kaniyang mensahe, inihayag ng pangulo na habang ipinakikita at ipinadarama ng mga debotong Katoliko ang pananampalataya sa Poong Itim na Nazareno, dapat din aniyang alalahanin ng bawat isa ang pagsusumikap na malagpasan ang mga pagsubok at pasakit.

Naniniwala ang presidente na sa pamamagitan ng pananampalataya, makatatawid ang mga deboto sa mga bagyo at pagsubok na dumaraan sa buhay tungo sa mas maliwanag at maligayang kinabukasan.


Umaasa si Pangulong Marcos na ang imahe ng Poong Jesukristo ay magbigay inspirasyon para maging sentro ng buhay ay ang pagmamahal, pag-asa at pagiging maawain, at pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng kagipitan.

Panawagan ng pangulo, sama-sama nating isabuhay ang mga katangiang ito sa pagsisimula ng panibagong yugto patungo sa kapayapaan at kaginhawahan.

Sa araw na ito, ayon sa pangulo ang mark o tanda ng pagdating ng imahe ni Nuestro Padre Senor Jesus Nazareno mula sa orihinal na lokasyon nito sa Intramuros patungo sa kasalukuyang tahanan nito sa Quiapo, Maynila.

Facebook Comments