PBBM, naniniwalang marami pang smuggling group ang dapat habulin

Marami pang smuggling group sa Pilipinas ang dapat na habulin ng gobyerno partikular ang smuggler ng sibuyas.

Ito sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interview sa World Trade Center matapos pangunahan ang opening ceremony ng International Trade Fair for Innovative Production and Processing for Poultry and Livestock.

Ayon sa pangulo, dapat na mahuli ang mga ito ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) upang mapanagot.


Ayaw namang magbigay ng pangulo ng deadline sa NBI at DOJ para mahuli ang mga ito ang mahalaga aniya ay patuloy ang imbestigasyon.

Naniniwala ang pangulo na ang smuggling ng sibuyas at anumang agricultural products ay isang economic sabotage.

Marami ayon sa pangulo na ginugutom at namamatay na mga Pilipino dahil sa smuggling.

Una nang tinukoy sa pagdinig sa Kongreso na ang Vieva Group of Companies Inc., ang umano’y nagsasagawa ng kartel sa sibuyas.

Isa raw sa sinasabing major stockholder nito ay isang Lilia o Leah Cruz na kilala umano bilang ‘sibuyas queen’.

Facebook Comments