Naging emosyonal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang ika-apat na podcast nang mapag-usapan ang mga anomalya at korapsyon sa flood control projects.
Ayon sa Pangulo, nakabibigla ang lawak ng anomalya at kapal ng mukha ng mga sangkot, dahil lantaran at garapalan na ang pagbulsa nila sa pondo ng bayan.
Samantala, halos maiyak din ang Pangulo habang ikinukwento ang bigat ng pinapasan ng mga ordinaryong manggagawa at pamilyang walang kasalanan ngunit nadadamay sa katiwalian.
Giit ng Pangulo, matagal na aniyang umusbong ang sistemang ito ng katiwalian kaya’t panahon na para ayusin at lagyan ng matitibay na safeguard ang gobyerno, sa pamamagitan ng bagong batas o restructuring.
Wala aniyang mas mahalaga kaysa sa kapakanan ng bawat ordinaryong Pilipino higit pa sa kahit sinong pulitiko, maging siya man bilang Pangulo ng bansa.








