Nasa Honolulu, Hawaii ngayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa huling bahagi ng kaniyang isang linggong biyahe sa Estados Unidos.
Kasama ng Pangulong Marcos Jr., si First Lady Louise Araneta-Marcos at ilang mga opisyal ng pamahalaan na dumalo rin sa 30th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting.
Nakipag-pulong din ang Pangulong Marcos Jr., sa Filipino community at bumisita sa SpaceX Headqua sa Los Angeles.
Matapos naman dumating sa Honolulu, agad makipagpupulong si Pangulong Marcos Jr., sa Filipino community at bibisita sa US Indopacom Headquarters bago ang roundtable meeting sa Daniel Inouye Asia Pacific Center for Security Studies.
Nakatakda na ring umuwi ng bansa ang pangulo pagkatapos ng kaniyang mga engagement sa Hawaii.