Nasa lalawigan ng Leyte ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at dumadalo sa iba’t ibang aktibidad.
Kagabi ay una nitong pinangunahan ang switch-on ceremony para sa Spark San Juanico Aesthetics Light and Sound Show sa San Juanico Bridge.
Ang proyektong ito ay kauna-unahan sa Pilipinas na nilaanan ng pondo ng Department of Tourism (DOT), na nagkakahalaga ng P80 million.
Ang San Juanico Bridge ay kumokonekta sa Leyte at Samar Islands, na itinayo noong panahon ni dating President Ferdinand Marcos Sr.
Ngayong araw naman ay makikiisa ang pangulo sa paggunita ng 78th Leyte Gulf Landings anniversary sa MacArthur Landing National Park sa Palo, Leyte.
Pagkatapos ay dadalo ito sa 75th Charter Day celebration ng Ormoc City, sa lalawigan ng Leyte.