Bumubuti na ang kondisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. makaraang magpositibo sa COVID-19 noong Biyernes.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, mayroon na lamang mild symptoms ang pangulo.
Sinabi rin aniya ng doktor nito na si Samuel Zacate na wala nang anumang pamamaga sa lalamunan ng pangulo at wala ring senyales ng respiratoty distress o pneumonia.
Batay pa sa pinakahuling health bulletin, normal ang vital signs ni Pangulong Marcos at kung kailanganin ay sasailalim siya sa laboratory examination.
Pitong araw na sasailalim sa home isolation ang pangulo alinsunod sa protocol ng Department of Health.
Nabatid na ito na ang ikalawang beses na tinamaan ng COVID-19 si Marcos kung saan una rito ay noong kasagsagan ng pandemya noong 2020.