Wednesday, February 18, 2026

PBBM, natanggap na ang ICI report sa maanomalyang flood control projects

Natanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ulat ng Independent Commission for Infrastructure o ICI kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Atty. Claire Castro, wala pang pinal na desisyon ang pangulo tungkol sa report at patuloy itong pinag-aaralan ng Palasyo.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na nakadepende sa nilalaman ng report kung ano ang susunod na hakbang ng pangulo.

Kabilang sa mga posibleng pagpilian ang pagtatalaga ng bagong mga miyembro ng komisyon, pagbuwag sa ICI, o tuluyang ipasa sa Department of Justice (DOJ), Department Public Works and Highways (DPWH), at Office of the Ombudsman ang paghahain ng kaso laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno, pati ilang mambabatas na sangkot umano sa isyu.

Facebook Comments