Nag-isyu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Executive Order No. 36 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nag-aapruba sa pagbawas at pag-alis ng buwis para sa real property ng Independent Power Producers o IPP.
Batay sa nilagdaang EO, ang IPP ay ino-operate ng Build-Operate-Transfer (BOT) scheme contracts kasama ang government-owned or -controlled corporations (GOCCs).
Batay sa isinasaad ng EO 36, sakop ng pagbawas at condonation ang lahat ng liability sa real property taxes sa calendar year 2023.
Ipapaubaya naman sa magiging assessment ng Local Government Unit (LGU) ang pagpapatupad ng condonation o bawas interes sa babayaran ng mga IPP.
Isinasaad din sa EO na ang lahat ng real property tax payments ng IPP para magsilbing bayad sana sa nakaraan ay ikakarga na lang sa kanilang babayaran sa hinaharap.
Kaugnay nito’y inaatasan ang lahat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang nasabing direktiba.