PBBM, pabor na ipawalang bisa ang Bank Secrecy Law sa mga opisyal ng gobyerno

Pabor si Pangulong Ferdinang Marcos Jr. sa isinusulong na panukala na ipawalang-bisa ang Bank Secrecy Law, para sa government officials.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat lamang naman na ipatupad ang transparency at accountability para matiyak na walang itinatagong nakaw na yaman ang mga ito.

Asahan aniya na hindi magiging negatibo ang tugon ng Pangulo basta’t may kinalaman sa public service.

Matatandaang isinusulong sa Senado ang panukalang i-waive ang bank secrecy rights ng mga government officials.

Dahil kasi sa umiiral na batas, ay hindi maaaring silipin ninuman ang bank account ng isang indibiwal kaya hindi malalaman kung may ill gotten wealth ang mga nasa gobyerno.

Facebook Comments