Pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council na luwagan ang visa access sa mga dayuhang tutungo sa bansa galing ng Estados Unidos, Australia, Canada, Japan, Singapore, at UK.
Ayon sa Pangulo, wala siyang nakikitang problema at hadlang para ipatupad ang mungkahing ito.
Sa katunayan, sa Pilipinas nga aniya ay nagiging maluwag na din ang pagbibigay ng visa access.
Makatutulong ang hakbang na ito para mas makahikayat pa ng maraming turista na bumisita sa bansa.
Dagdag pa ng Pangulo, ipaprayoridad niya sa kaniyang agenda ang nasabing rekomendasyon.
Gayunpaman, kailangan pa rin aniyang mapag-aralang mabuti ang nasabing panukala at tingnan ang anggulo ng seguridad.
Facebook Comments