PBBM, pabor na sa pag-alis ng public health emergency dahil sa COVID-19

Pumayag na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na alisin na ang public health emergency sa bansa dahil sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malacañang.

Ayon sa kalihim, hinihintay na lamang nila ngayon na pirmahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) resolution para tuluyan nang maging pormal ang pag-aalis ng pangulo sa public health emergency.


Paliwanag ni Secretary Herbosa na una nang idineklara ng World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 ay ikinokonsidera nang katulad ng ibang mga sakit.

Nabawasan na kasi ang namamatay dahil sa COVID at ang prone nalang ay mga nasa vulnerable sector katulad ng mga matatanda at mga immunocompromised.

Bukod dito, marami na rin ang nabakunahan kaya kakaunti na lamang ang nagpopositibo sa COVID-19.

Facebook Comments