PBBM, panauhing pandangal sa ika-87 anibersaryo ng AFP

Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mamayang hapon sa ika-87 anibersaryo ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.

Inaasahang pangungunahan din ng commander in chief ang ilan sa mga programang inihanda para sa pagdiriwang.

Kabilang dito ang pagbibigay parangal sa mga natatanging kawani at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Bahagi rin sa programang sasaksihan ng presidente ay ang pagbibigay pugay sa fallen soldiers.

Maliban sa gagawing pangunguna sa AFP anniversary ay wala pa namang pampublikong aktibidad ang pangulo dahil naging abala ito nitong weekend matapos bumista sa Kadiwa ng Pasko sa Valenzuela at nag-inspeksyon sa NFA warehouse.

Facebook Comments