Monday, February 9, 2026

PBBM, pangungunahan ang ceremonial turn-over ng CBK power plant sa Laguna

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial turn-over ng Caliraya–Botocan–Kalayaan o CBK Pumped Storage Power Plant sa lalawigan ng Laguna ngayong umaga.

Ang aktibidad ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagbabalik ng Pangulo sa public engagements matapos gumaling sa kanyang karamdaman.

Ang CBK power plant ay isinailalim sa rehabilitasyon mula pa noong 2002 at inaasahang tuluyang maibabalik sa pamahalaan ngayong Pebrero 2026.

Makakasama ng Pangulo ang ilang opisyal ng pamahalaan at kinatawan ng pribadong sektor.

Sa hapon naman, dadalo ang Pangulo sa presentation ng logo para sa ika-80 anibersaryo ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos na gaganapin sa Malacañang.

Facebook Comments